Sinabi ni Presidential aspirant at Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso nitong Lunes, Disyembre 6, na plano niyang iboto si Pangulong Duterte, na tumatakbo bilang senador sa May 2022 national elections.

Naniniwala si Domagoso na kuwalipikado si Duterte sa posisyon, at handa rin niyang tanggapin ito bilang ikaapat na senatorial candidate ng kanyang Aksyon Demokratiko Party.

“I will personally vote for President Duterte for senator. And I will be grateful, honored and humbled to have somebody like the president in our slate as an additional candidate for senator. And I think he is very much capable of doing the job as a legislator,” aniya sa isang ambush interview.

“Kung dati, sinasabi kong tatlo lang ang senador ko kaya siyam na lang ang proproblemahin niyo, ngayon ang sasabihin ko, walo na lang ang pag-iisipan niyo dahil may pang-apat na kong kandidato, si Pangulong Duterte," dagdag pa niya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang mga nagawa ni Duterte, lalo na ang "Build, build, build" program, ay ilan lamang sa mga pangunahing rason kung bakit kinukonsidera ni Domagoso ang pagkuha sa pangulo bilang parte ng senatorial slate.

“Let’s give credit where credit is due. President Duterte has so many accomplishments. And I believe that he can be an effective senator since through legislation, he can ensure that his legacy will institutionalized,” anang alkalde.

“Ayoko namang pangunahan ang pangulo. Malaya naman siyang makapamili kung saan niya gustong sumama. Pero it is definitely an honor for me if the president will accept my invitation for him to be an adopted senatorial candidate of Aksyon Demokratiko,” dagdag pa niya.

Jaleen Ramos