Isang lalaking pinaghihinalaang magnanakaw ng kawad ng kuryente ang namatay matapos umanong makuryente at mahulog sa isang footbridge sa Makati City nitong Lunes, Disyembre 6.

Dead on the spot dahil sa matinding pinsala sa kanyang ulo ang lalaking nakilala sa alyas na 'Nick' at taga-Pasay City.

Sa inisyal na report, ang insidente ay naganap sa footbridge sa panulukan ng FB Harrison Street at Buendia dakong 1:00 madaling araw.

Sinasabing nakuryente umano ang biktima sa naturang lugar kaya ito nahulog sa footbridge.

Metro

Matarik na wheelchair ramp, binatikos; MMDA, nagpaliwanag

Kilala umano si Nick na magnanakaw ng kawad ng kuryente sa Barangay 9 sa lungsod.

Gayunman, iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang kaso.

Bella Gamotea