JERUSALEM -- Umakyat sa 11 ang bilang ng kaso ng Omicron COVID-19 variant sa Israel noong Linggo, ayon sa pahayag ng Israeli Health Ministry.

Dalawa sa apat ng bagong kaso ay mga pasahero na kamakailan ay bumalik mula sa France. Pareho silang nabakunahan ng tatlong shot ng Pfizer vaccine laban sa COVID-19.

Ang ikatlong kaso ay isang pasyente, bakunado rin ng tatlong Pfizer doses, na nahawaan ng variant matapos magkaroon ng contact sa isang pasahero na bumalik mula sa South Africa.

Samantala, ang ikaapat na kaso ay mula sa isang indibidwal na galing sa United States ang nagpositibo sa Omicron at ito rin ay bakunado ng tatlong doses ng Moderna vaccine.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM

Gayunman, 24 pang kaso ng variant ang pinaghihinalaan sa Israel, ngunit ang mga resulta ng kanilang genmomic sequencing ay hindi pa nakukuha, ayon sa ministry.

Nabanggit nito na 16 sa 24 na indibidwal ay hindi bakunado, o gumaling mahigit kalahating taon na nakalipas.

Mayroon ding 14 iba pang kaso na "low suspicion" para sa variant. Ang kanilang test result ay hindi tiyak at ipinadala muli para sa re-testing.

Xinhua