Kasunod ng pagbaba sa 13 ng kaso ng COVID-19, sinabi ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na nakikita niya ang isang maligayang Pasko para a lahat ng mga residente at bisita sa lungsod.

Sinabi ni Rubiano na ang lungsod ay nagpapatuloy din sa pagtatala ng zero death cases mula Dis. 1 kung saan ang bilang ng mga nasawi ay nananatili sa 547.

Aniya, mula sa 201 barangay sa lungsod, siyam na barangay na lamang ang nananatiling may aktibong kaso.

Sinabi ng alkalde na mula siyam na barangay na may aktibong kaso, nakapagtala na lang sila ng tig-iisa maliban sa Barangay 183 na may apat at Barangay 201 na may dalawang kaso.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ni Rubiano na umaasa ang pamahalaang lungsod sa mga residente na patuloy na sundin ang health protocols sa pagpapababa ng bilang ng mga aktibong kaso.

Sinabi niya na dapat ding sundin ang EMI habit (Ensure to always wash your hands, Mask is a must, and Implement physical distancing).

Sinabi ni Rubiano na layon ng lungsod na magkaroon ng zero case ng COVID-19 ngayong Kapaskuhan.

Jean Fernando