Walong Pilipinong seafarers na na-stranded sa China sa loob ng pitong buwan ang muling nakabalik sa Pilipinas.
Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dumating sa Pilipinas ang mga seafarer nitong Linggo, Dis. 5, tatlong araw matapos ang pagdating ng anim nilang kasamahan sa Maynila.
Kabilang sila sa 29 na Pilipinong na-stranded sakay ng Chinese-flagged na vessels na Han Rong 362, 366, at 369 na huminto sa operasyon noong Mayo 2021. Ang COVID-19 restrictions sa mga daungan ng China ang nagpatigil sa mga barko sa southeastern China, sabi ng DFA.
Ayon kay DFA Undersecretary Sarah Lou Arriola, ang walong seafarers ang ikatlong batch ng mga repatriated Filipinos mula sa mga nabanggit na barko.
“To date, DFA has facilitated the repatriation of 19 out of the 29 stranded seafarers,”sabi ni Arriola habang sinabi ring “remaining 10 seafarers will be repatriated this coming week.”
Sinabi ng opisyal na nag-oorganisa na ang DFA ng mga chartered flights sa Shanghai upang maiuwi ang mga seafarer lalo na sa “panawagan ng mga Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng China” sa gitna ng nalalapit na panahon ng Pasko.
Sinubaybayan ng Office of the Migrant Workers Affairs (OUMWA) na pinamumunuan ni Arriola ang kalagayan ng mga seaferer simula nang matanggap nito ang ulat sa kalagayan nila. Mula noon, nagpaabot na sila ng tulong sa mga tripulante habang ang Philippine Consulates General sa Shanghai, Xiamen at Guangzhou ay tumugon din sa mga pangangailangan ng nila at nakipag-ugnayan sa mga ship’s principal at mga awtoridad ng China para sa kanilang pagbaba.
Betheena Unite