Nagdarasal na si Pangulong Rodrigo Duterte upang hindi makarating sa bansa ang Omicron variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na unang nadiskubre sa South Africa.

Ito ang reaksyon ng Pangulo kasabay na rin ng naiulat na tumataas pa ang bilang ng mga bansa na nahahawaan ng variant.

Sa pre-recorded public address ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes ng gabi, Disyembre 6, ikinatuwa aniya nito ang  mahusay na paglaban ng bansa sa pandemya ng COVID-19.

“I am very happy na bumababa na talaga (ang COVID-19 cases).That’s a miracle because other countries are still reeling from the effect– parang nagkaroon sila ng problema sa Omicron." aniya.

Umaasa aniya ito na hindi na pumasok sa Pilipinas ang Omicron variant. “But if ever na magdating, I hope we can cope with [it] as much as we did with COVID-19,” paliwanag pa ng Pangulo.

Argyll Geducos