"Pwede ba?"

"Tigilan n'yo na yung pagmamalinis."

"Yung pag-arte na parang hindi kayo nagkamali…"

"na parang hindi kayo nagkulang"

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

"na parang hindi kayo sumobra."

Ilan lamang iyan sa mga saknong na bahagi ng ginawang tula ng kontrobersyal na direktor na si Darry Yap, bilang bahagi ng kaniyang promosyon ng pelikulang 'Pornstar 2: Pangalawang Putok' na pinagbibidahan nina Rosanna Roces, Ara Mina, Alma Moreno, at Maui Taylor na mapapanood sa online movie streaming na 'Vivamax'.

"Wag kayong umasta na parang hindi kayo naghabol sa isang tao, para lang mahalin din kayo/para bang hindi kayo nagnasa, nakaisip ng bastos,/at hindi tumuwad para sa maling tao."

"Wag kayong mamintas/na para bang walang mailalait sa inyo/wag kayong manghamak ng tao,/dahil hindi n'yo alam ang kinakaya nila araw-araw."

"Hindi n'yo ikinataas ang panghahamak sa iba,/kung ano siya, sino siya at kung ano at sino ang nangyari sa kanya."

"Walang tunay na walang bahid,/dahil ang hindi nagkakamali ay manhid!/Ang nakaraan ng tao, kanyang natapos, estado sa buhay, trabaho at mga desisyon ay hindi SIYA./'Yun ay bahagi ng kanyang pakikibaka."

"Lahat tayo ay may nakaraan,/lahat tayo ay may kasaysayan/lahat tayo ay hindi lang may PUTIK."

"Tayo ay PUTIK,/isang dakot na putik na hiningahan…/ng nag-iisang may karapatan na tayo ay husgahan."

"Siya lang./Ang Poong Maykapal."

"Isang oras na lang po/at simula nang mapapanood sa Vivamax ang pelikulang mangangailangan ka ng 'pamunas'/hindi lang sa ari, bibig at kamay…/kundi maging sa mata…/dahil sabi nga nila—/ang luha ay ang pawis ng kaluluwa."

"Para sa mga nagkamali, hindi perpekto/pero nananatiling maganda, masarap at makatao!"

Kaugnay nito, inaya ang mga manonood na panoorin ang kaniyang pelikula sa Vivamax, na available na nitong Disyembre 3.

May be an image of 8 people, people standing and outdoors
Pornstar 2 cast members (Larawan mula sa FB/Darryl Yap)

Kontrobersyal si Darryl Yap dahil sa mga kadalasang tema ng kaniyang mga pelikula, gayundin sa kaniyang 'VinCentiments'.