BACOLOD CITY -- Pumanaw na ang dating E.B. Magalona, Negros Occidental Mayor David Albert Lacson noong Biyernes, Disyembre 3, dahil sa COVID-19.

Kinumpirma ito ng kanyang pinsan na si third district board member Andrew Montelibano.

Pumanaw si Lacson, na dati ring provincial board member, sa edad na 46 sa Riverside Medical Center noong Biyernes ng gabi. Siya ay fully vaccinated ng Sinovac vaccine.

Inalala ni Vice Governor Jeffrey Ferrer si Lacson bilang dedikadong manggagawa at public servant.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ibinahagi ni Ferrer, noong huling pagkakataon na sila ay nagkausap ni Lacson, sinabi nito sa kanya na siya ay positibo sa COVID-19 sa isang rapid antigen test noong Nobyembre 30.

Inadmit ni Lacson ang kanyang sarili sa ospital noong Disyembre 1 kahit nakararamdaman lamang siya ng flu-like symptoms. Ani Ferrer, dumanas din si Lacson sa ilang health issues bukod sa COVID-19.

Samantala, nagpasa ng resolusyon ng United Negros Alliance (Unega) na nagpapahayag ng pakikiramay sa pamilya ni Lacson, na isa sa mga haligi ng provincial party, ayon kay Ferrer na bahagi rin ng Unega.

Glazyl Masculino