Sisimulang himayin ng bicameral conference committee na pangungunahan nina ACT-CIS Rep. Eric Yap, chairman ng House commitee on appropriations, at ni Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate committee on finance, ang nagkakaibang mga probisyon ng dalawang Kapulungan tungkol sa P5.024-trillion General Appropriations Bill (GAB) para sa 2022.

Ipinasa ng Kamara ang pambansang budget noong Oktubre matapos ipasok ang mga susog tungkol sa dagdag na P100 bilyon para ipagkaloob sa sektor ng kalusugan at magamit laban sa Covid-19.

Ipinaalam ni Angara na sa bersyonng Senado, nagkamit ng pangatlo sa pinakamalaking pondo ang health sector bunsod ng paglitaw ng Omicron, ang bagong COVID-19 na pinaniniwalaang higit na nakahahawa o contagious kaysa Delta variant.

Ang Senado ay naglaan ng budget ng P226.7 bilyon para sa Department of Health (DOH), mas mataas kaysa P182.67 bilyon na inilaan ng Kamara.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Umaasa sina Yap at Angara na maaayos at mapagtutugma nila ang mga bersyon ng Kamara at Senado sa bicameral conference committee upang ang pambansang budget ay maipadala agad sa Office of the President (OP) para lagdaan ni Pangulong Duterte bago matapos ang taon.

Bert de Guzman