Niyanig ng 3.5-magnitude na lindol ang Verde Islands sa Batangas nitong Lunes ng umaga, Dis. 6, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

(PHIVOLCS)

Naitala ng Phivolcs ang lindol 3 kilometro (km) hilagang silangan ng Verde Island sa Batangas City, dakong 10:47 ng umaga.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Naitala rin ng ahensya ang 9 km lalim ng lindol.

Naramdaman ang Intensity III sa Puerto Galera, Oriental Mindoro, at Intensity II sa Calapan City, Oriental Mindoro.

Anang Phivolcs, tectonic ang pinag-ugatan ng lindol.

Samantala, walang inaasahan na aftershocks at pinsala sa naturang lindol.

Ellalyn De Vera-Ruiz