Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang boat operator at apat na kasamahang mangingisda matapos lumubog ang kanilang bangka sa karagatang sakop ng Labor Island sa Surigao City, nitong Linggo ng gabi.
Sa ulat PCG, nagpumilit pa ring lumayag ang MBCA “Jimboy” mula Barangay Buenavista, Surigao City patungong Brgy. Balibayon, Surigao City kahit sinuspindina ang biyahe dahil sa gale warning.
Habang nasa laot, sinalubong ang mga ito ng malakas na hangin at malalaking alon na dahilan ng pagtaobng bangka hanggang sa tuluyang lumubog.