Handa nang magbigay ng libreng serbisyo sa mga pasyente na mayroon COVID-related concerns ang 24/7 COVID-19 clinic sa Davao City.

Dumalo si Mayor Sara Duterte at mga representative mula sa partner agencies atangChargé d’ Affaires, ad interim of U.S. Embassy Manila, Heather Variavasa pagbubukas ng clinic noong Biyernes, Disyembre3, sa Doña VicenteVillage sa Bajada. Nagsimula na ang clinic ngayong araw, Disyembre 6.

Nakipag-partner ang lokal na pamahalaan ng Davao sa Reach Health-U.S. Agency for International Development (USAID) para sa pagtatag ng COVID-19 cluster clinic.

Sinabi niCOVID-19 Task Force Spokesperson Dr. Michelle Schlosser,“all services related to COVID-19 management is there” kabilang ang contact tracing, konsultasyon at gamot, quarantine o isolation, transportasyon, at pagkain para sa suspected, probable, o confirmed COVID-19. Mag-aalok din ang clinic ng telemedicine consultations.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

“Wala ni siya’y limitation sa patients. We have enough doctors to address their concerns," ani Schlosser.

Magtatayo pa ng pitong clinic ang lungsod na magbibigay ng libreng serbisyo para sa lahat ng COVID-19 related concerns 24/7.

Zea Capistrano