Pumalag si presidential aspirant at Vice President Leni Robredo nitong Linggo, Disyembre 5, sa mga fake news na umano'y kanyang natanggap.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Robredo ang larawan na tila hindi maayos ang pagkaka-edit ng kulay pink, habang ang isang larawan naman ay nagpapakita na siya ay nagtitinda ng isda sa palengke.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

"FAKE NEWS ALERT. Radical magmahal lalo na pag Linggo. Pero fake news ito at ang sama ng pagka photoshop," ani Robredo sa kanyang post.

"Obviously done to put us in a bad light. Hindi po tayo magpapatinag. Let us report posts like these. Sorry walang link. They were only sent to me," dagdag pa niya.

Matatandaan na itinama ni Robredo, noong Nob. 22, ang kumakalat na pekeng balita kaugnay ng umano’y pagpapalaya via police enquiry bail sa kanyang panaganay na anak na si Aika matapos maaresto sa Amerika.

Muli ring binalikan ni Robredo ang unang tangka ng kanyang "mga katunggali" na siraan ang anak sa Harvard Kennedy School.

“Noong nag aral si Aika ng Master in Public Administration sa Harvard Kennedy School, ang ginawa ng mga katunggali natin, sinulatan ang paaralan para sabihin na kailangan daw bawiin yung acceptance niya sa Program dahil ang ipapambayad niya daw ay ninakaw ko sa pamahalaan,” paglalahad ni Robredo.

“Napahiya sila at tinawanan lang sila. Ang hindi nila alam ay full scholar si Aika. Hindi lang tuition yung libre kundi pati yung kanyang tirahan at lahat na living expenses ang covered ng scholarship. Hindi din nila alam na competitive ang pagpasok sa kurso dahil Degree Program po ito. Nakapasok siya dahil sa sarili niyang credentials at walang kinalaman ang pagiging niyang anak namin para tanggapin siya,” ani Robredo.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/11/23/vp-leni-robredo-ipinagtanggol-ang-mga-anak-laban-sa-black-prop/" target="_blank">https://balita.net.ph/2021/11/23/vp-leni-robredo-ipinagtanggol-ang-mga-anak-laban-sa-black-prop/