Isinagawa ang pormal na pagtatapos ng taon ni San Jose sa buong Diyosesis ng Parañaque kasabay ang pagdiriwang ng makasaysayang Traslacion o pagbabalik-tanaw sa pagdating ng Patrong San Jose sa Las Piñas City nitong Sabado, Disyembre 4.

Pinangunahan nina Bishop Jesse Mercado at Kura Paroko ng Diocesan Shrine and Parish of St. Joseph, Msgr. Bobby Olaguer ang isang banal na misa kaalinsabay ng paglalahad ng Markers na nakapaloob ang pagtatalaga ng Las Piñas City government kay St. Joseph o Tata Hosep bilang pangkalahatang Patron ng lungsod at Our Lady of Consolation (Nuestra Señora De La Consolacion Y Correa) bilang pangalawang Santong Patron.

Naglalayon itong kilalanin ang kanilang mga banal na imahe bilang bahagi ng yamang kultura ng lungsod ng Las Piñas sa bisa at pinagtibay na City Resolution No. 3997-21 na pinirmahan ng City Council sa pamumuno ni Vice Mayor April Aguilar at buong pusong inaprubahan ni Mayor Mel Aguilar. 

Dumalo sa aktibidad ang mga District 1 councilors na sina Peewee Aguilar, Boboy Dela Cruz, Rey Balanag at Rex Riguera, kasama ang ang tagapamahala ng Las Piñas City Tourism and Cultural Affairs na si Paul San Miguel at ang kinatawan ni Mayor Mel Aguilar na si Ginang Alelee Aguilar-Andanar. 

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ang nasabing makasaysayang kaganapan ay isang hakbang tungo sa mas matibay na pananampalataya at malalim pang paniniwala ng mga Las Piñeros ukol sa kanilang espiritwal o relihiyon na usapin. 

Bella Gamotea