Tinatawanan na lamang daw at hindi naman nao-offend si Shido Roxas kapag tinatawag siyang 'Lunok King' dahil sa trending na 'lunok blooper' niya sa isa sa mga episode ng 'Wish Ko Lang' habang kaeksena ang batikang aktor na si Christopher de Leon, na umere sa GMA Network noong Hulyo 10.

Sa eksena sa morgue, patay na ang kaniyang ginagampanang karakter at umiiyak sa kaniyang bangkay si Boyet De Leon, nang hindi makaligtas sa mapanuring mga mata ng televiewers ang kaniyang paglunok.

"Yung napalunok na yung patay sa haba ng eksena," biro ng netizen na siyang nagbahagi ng video clip nito sa social media.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Shido Roxas at Christopher De Leon (Screengrab mula sa YT/Wish Ko Lang)

Nagdulot naman ito ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizen. May mga natuwa, naaliw, at syempre, nam-bash.

Sa panayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP kay Shido nitong Nobyembre 27, mukhang hindi naman nakaapekto sa kaniyang career ang naturang lunok blooper. Sa katunayan daw ay baka nga may part 2 pa.

Shido Roxas (Larawan mula sa IG)

"The director and the program manager contacted me na po. So, we’re doing, baka po, part 2. Seryoso po ito, ha? Hindi ko po alam kung with Tito Christopher pa… Pero parang sa dagat po yata ang eksena ngayon, eh… Pero baka January o February po siya gawin," saad ni Shido.

Hulyo pa umano nangyari ang naturang episode, ngunit hanggang ngayon daw ay pinag-uusapan pa rin ito.

"Noong July pa yun ipinalabas, pero nagpipiyesta pa rin ang iba sa eksenang 'yun. Last week nga po, nagpo-post pa sila. Nakita ko, may 40,000 views na.

"Tapos, may mga fans na nagme-message sa akin. Sabi, ‘Shido, baka pwedeng pa-lunok.’ ‘Andito silang lahat, baka pwedeng pa-lunok.’

"Ano ba ang lulunukin ko?" natatawang sabi ni Shido.

Hindi naman daw siya nao-ooffend kung tinatawag siyang Lunok King.

"Ako kasi, for example, may write-up sa akin, I never bother to respond. Kasi, iba po yung focus ko. Iba yung mentality ko. So, kapag may bashers or what, tatawanan ko na lang. Thank you po kung nakapagbigay tayo ng kahit panandaliang aliw despite the pandemic, di ba?"

Mas mainam na raw ang ganoong viral kaysa naman sa sex scandal.

Sa ngayon ay abala si Shido sa ilang mga raket sa GMA Network, at kasama rin siya sa pelikulang 'Nelia' na pinagbibidahan ni Winwyn Marquez kasama sina Raymond Bagatsing, Ali Forbes, Juan Carlos Galano, Mon Confiado, Lloyd Samartino, Dexter Doria, at Dan Alvaro. Pambato ito para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2021.

Shido Roxas: 'Latebloomer' – Tempo – The Nation's Fastest Growing Newspaper
Shido Roxas (Larawan mula sa Tempo)

Bukod pa diyan, kasama rin siya sa cast members ng isa pang pelikula, na pinagbibidahan naman ni Joaquin Domagoso, ang 'Caught in the Act', na isa sa mga mapapalad na pelikulang Pilipinong maipalalabas na sa mga sinehan sa Disyembre 15.