Isang lone bettor mula sa Pangasinan ang naging ikalawang instant milyonaryo ng lotto ngayong Disyembre matapos na mapagwagian ang₱5.9 milyong jackpot ng Lotto 6/42 nitong Sabado ng gabi.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Vice Chairperson at General Manager Royina Garma, matagumpay na nahulaan ng lucky bettor ang six-digit winning combination na 21-11-19-08-42-04 kaya’t naiuwi nito ang katumbas na jackpot prize na₱5,940,000.

Nabatid na nabili ng masuwerteng mananaya ang kanyang lucky ticket sa Urdaneta City, Pangasinan.

Upang makuha ang kanyang premyo, pinayuhan naman ni Garma ang lucky bettor na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprisinta lamang ang kanyang winning ticket at dalawang balidong ID cards.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Samantala, mayroon namang kabuuang 110 mananaya ang nakahula ng lima sa anim na tamang numero at nakapag-uwi ng second prize na tig-₱24,000 bawat isa.

Mayroon rin namang 3,116 bettors ang nakakuha ng tig-₱800 dahil sa nahulaang tig-apat na tamang numero habang 35,000 bettors ang nakakuha ng balik-taya na₱20 dahil sa tatlong tamang winning combination.

Ang Lotto 6/42 ay binubola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na may sole bettor ang nakapag-uwi ng jackpot prize sa naturang state lottery games.

Nito lamang Huwebes ng gabi, Disyembre 2, isang sole bettor rin mula sa Dasmariñas City, Cavite ang nakapag-uwi naman ng₱5.9 milyong jackpot prize sa Lotto 6/42 draw.

Noon namang Nobyembre, walong bettors ang naging instant milyonaryo rin sa lotto ng PCSO.

Mary Ann Santiago