Magde-deployng sapat na bilang ng mga tauhan ang Philippine National Police (PNP)upang matiyak na ligtas ang pagpapatupad ng face-to-face classes sa 28 na paaralan sa Metro Manila sa Lunes, Disyembre 6.

Ngunit magiging iba ito sa pagkakataong ito nang naging aral sa PNP ang nangyari noong nakaraang buwan nang magpatupad ng face-to-face class sa Pangasinan na kung saan may nakitang mga armadong pulis sa loob ng silid-aralan.

Humingi naman ng paumanhin si PNP chief. Ge. Dionardo Carlos sa naturang insidente.

“The resumption of the face-to-face learning setup is not new anymore for us since other schools have already started this last November,” ani Carlos

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

“We just have to follow the template and remind our police personnel to strictly limit themselves from going inside school premises unless there is a request for security assistance,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Carlos na mayroon na silang listahan ng 28 na paaralan na kung saan i-dedeployang mga pulis.

Gayunman, pinaalalahanan ng PNP ang mga estudyante, mga magulang at guardians na sundin ang minimum health protocols katulad ng pagsusuot ng facemaskat paghuhugas ng kamay.