Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang bahagi ng Davao Region nitong Linggo dakong ng umaga.

Sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sentro ng pagyanig ay natukoy sa layong 285 kilometro sa silangang bahagi ng Sarangani Island, Davao Occidental.

Nasa 156 kilometro naman ang nilikhang lalim ng lindol na dulot ng tectonic.

Wala pang naitatalang pinsala ng lindol, gayunman, binalaan ng Phivolcs ang publiko sa inaasahang aftershocks nito.

Probinsya

Tatay na patungo sanang Negros para sa anak na may sakit, nawawala!

Jun Fabon