Inilunsad ang kauna-unahang face mask production facility sa Northern Luzon, ayon sa Department of Science and Technology (DOST).

Ayon kay DOST Secretary Fortunato "Boy" T. de la Peña, inilunsad ng Modulhaus Incorporated, katuwang ang DOST I, ang naturang pasilidad noong Nob. 25.

Pagmamay-ari ni Richard Chan ang production facility na siyang naging beneficiary ng Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP) simula pa noong 2016.

"Chan’s family-owned corporation, Modular Plus Home System Incorporated, produces modular products like kitchen, wardrobe, and pantry cabinets, restaurant, and console tables, bathroom, and vanity fixtures, and other architectural and interior office features," ani de la Peña.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Ang paglulunsad ng pasilidad ay dinaluhan ng iba't ibang Regional Directors ng iba't ibang ahensya ng gobyerno sa rehiyon.

Noong Marso, inanunsyo ni de la Peña na nagbigay ang DOST ng P5 milyong halaga ng tulong sa ModulHaus Incorporated ng Agoo, La Union para sa pagpapatupad ng makabagong start-up project na naglalayong palakasin ang kapasidad ng kumpanya na gumawa ng mga locally made surgical masks.

Tinulungan ng DOST ang ModulHaus Incorporated sa pamamagitan ng SETUP Program na gumawa ng unang batch ng surgical masks sa pamamagitan ng start-up project nito.

Ang P5 milyong pondo ay ginamit upang makabili ng isang unit ng Automatic Mask Making Machine at dalawang unit ng Automatic Ear Tape Applier na may kapasidad na makagawa ng 739,200 surgical face masks kada buwan.

Ngayong taon, matagumpay na nakagawa ng unang batch ng surgical at four-ply face masks ang ModulHaus Incorporated at pinangalanan itong Safe Tech.

Charissa Luci-Atienza