Nag-tweet si dating presidential spokesperson at senatorial candidate Harry Roque hinggil sa pagtanggap sa kaniya sa UniTeam nina presidential candidate Bongbong ‘BBM’ Marcos at vice presidential candidate Sara Duterte bilang kaanib nila sa kanilang partido.

"At siyempre po, isa pang dahilan, wala naman pong ibang umangkin sa akin at umampon. Sino ba naman ako para humindi sa pag-ampon ng UniTeam ni Bongbong Marcos at Sara Duterte?" ayon sa kaniyang tweet nitong Disyembre 5.

Screengrab mula sa Twitter/Harry Roque

Image
Screengrab mula sa Twitter/Harry Roque

Kalakip nito ang kaniyang quote card na wala umano siyang nakikitang pandarambong o paglabag sa karapatang pantao na ginawa ng kanilang presidential candidate na si BBM.

"Sa mga tumutok po sa mga panahon ngg administrasyon ng kaniyang ama, 15 years old po si Bongbong Marcos noong 1972," ani Roque.

Sa isa pang tweet, ibinahagi ni Roque ang litrato nila ni Davao City Mayor Sara Duterte na may caption na "Sandal ka lang diyan, Mayor Inday Sara Duterte."

Screengrab mula sa Twitter/Harry Roque

Image
Screengrab mula sa Twitter/Harry Roque

Matatandaang inihayag ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na pinamumunuan ni BBM, na tinatanggap umano ni Roque ang kanilang paanyaya na maging guest candidate para sa pagka-senador.

Tuluyan nang tumakbo sa pagka-senador si Roque matapos na mabigong makakuha ng puwesto sa International Law Commission ng United Nations, at sa desisyon ni Inday Sara na tumakbong pangalawang pangulo.