Pinayuhan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang Bureau of Corrections (BuCor) na kumonsulta sa kanilang tanggapan at sa local government unit (LGU) kaugnay ng kontrobersyal na itinayong pader sa gitna ng National Bilibid Prison (NBP) na inirereklamo ng mga residente sa lugar.

“As mother agency, we reminded them that it’s important to consult with us for guidance on policy matters, and to show courtesy to the LGUs which have political jurisdiction over the BuCor properties,” pahayag ni Guevarra nitong Linggo, Disyembre 5.

Ang hakbang ng DOJ ay bahagi lamang ng administrative supervision nito sa BuCor.

“We discussed these matters during our meeting with the BuCor last Nov 29,” paliwanag ni Guevarra.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Tinalakay aniya sa pagpupulong ang pagpapasara ng kalsada sa loob ng NBP compound sa Muntinlupa na ginagamit ng mga residente noong Nobyembre 26.

Dahil sa insidente, idineklara ng Muntinlupa City government na "persona non grata" si Bantag kasabay ng pangakong kakasuhan pa nila ito.

Sa nabanggit na pagpupulong nitong Nobyembre 29, ipinaliwanag ni Guevarra na pumayag na ang BuCor na bubuksan nila ang isinarang kalsada sa mga apektadong residente.

“The BuCor, after consultations with the DOJ, will remove the road block off the Katarungan Villages as soon as a control gate, which was the original plan, has been put up,” anang kalihim.

Jeffrey Damicog