Usap-usapan ang panayam ni Megastar Sharon Cuneta kay presidential candidate Vice President Leni Robredo na umere nitong Disyembre 3, 2021, sa YouTube channel nito na pinamagatang 'Kilalanin Natin si Leni: An Extraordinary Conversation.'

"This was one of the most memorable conversations that I ever had with someone that I admire and look up to. Isang mabuting ina, mapagmahal na asawa at tapat na public servant. It's my honor and a privilege to share with all of you my interview with Ma'am Leni. Pareho kaming radikal magmahal," saad ni Sharon sa caption.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/04/megastar-kinapanayam-si-vp-leni-noong-una-hindi-ko-pa-tinitingnan-si-senator-kiko/">https://balita.net.ph/2021/12/04/megastar-kinapanayam-si-vp-leni-noong-una-hindi-ko-pa-tinitingnan-si-senator-kiko/

Si Mega ang misis ng running mate ni VP Leni na si Senator Francis 'Kiko' Pangilinan.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Isa sa mga naungkat ni Mega ay tungkol sa mga masasamang salitang ipinupukol ng mga netizen kay VP Leni sa pamamagitan ng social media.

This image has an empty alt attribute; its file name is image-46-600x349.png
VP Leni Robredo at Megastar Sharon Cuneta (Screengrab mula sa YT/Sharon Cuneta Network

"Marami po kasi, lalo na sa social media, 'di ba, yung pagka-may sasabihin, kahit sino na lang po ang mag-sabi, kahit hindi totoo, madali nilang paniwalaan," ayon kay Mega. Marami raw kasing mga nagsasabi na walang nagawa si VP Leni, kagaya rin ng pagsasabi ng mga tao na walang nagawa si Senador Kiko Pangilinan, gayong alam naman ni Mega na maraming nagawa ang asawa.

"Kapag nauunahan po ng paninira, minsan yung mga taong ayaw makinig na, sa totoo, sinasakyan na lang," segunda pa ni Sharon.

"Ang problema, Sharon, sa social media ngayon, sumusulat kasi kahit sino puwede 'di ba? Ahm, pero walang accountablitiy," wika naman ni VP Leni.

"Ok sana yung access eh, na kahit sino ay may pagkakataon, pero ang problema no'n puwede kang mag-post tapos anonymous, puwede kang mag-post, kahit propaganda, disinformation, pinapaniwalaan ng tao."

Numero unong sinasabi raw ng mga netizen sa kaniya ang salitang 'bobo' at pangalawa naman ay 'walang ginagawa'. Sa dalawang deskripsyong ito, mas masakit at personal daw sa kaniya ang pangalawa dahil damay rito ang buong Office of the Vice President. Nasasayang umano ang effort ng kaniyang mga kasama sa pag-aabot ng tulong, kahit na hindi ganoon kataas ang budget, at karamihan sa kanilang mga proyekto ay dahil sa pagsuporta ng mga pribadong indibidwal o grupo.

"Meron silang mga clips na ipinapakita… tapos yung mga nakakapanood, iyon naman ang pinaniniwalaan. Tapos yung pangalawa, walang ginawa… walang ginawa, siguro hindi lang namin nako-communicate…" pahayag pa ng bise presidente.

"Sa akin ito ang pinaka-hurtful na criticism, yung walang ginawa, kasi hindi na lang ako 'yun eh. Yung bobo kasi ako lang 'yun eh, pero yung walang ginawa, parang 'di ba, insulto siya sa lahat ng… buong OVP. So ako, tine-take ko iyon personally. Talagang dinedepensahan ko."

Ano naman ang paliwanag ni VP Leni sa kritisismo sa OVP hinggil sa pagpo-post ng kanilang mga nagawa, sa social media?

"Kami naman kasi nabubuhay sa tulong ng private sector eh. So kami, everything that we do, we post on our official Facebook page, kasi iyon ang resibo namin yung ibinigay nila sa amin na tiwala," paliwanag pa ni VP Leni.

"Minsan din hindi mo ma-blame ang mga tao kung bakit naniniwala, kasi iyon lang ang lagi nilang nakikita.Iyon 'yung nakakalungkot ngayon," pahayag pa niya.

As of December 4 ay may 77,053 views na ito at nakasarado ang comment section gayundin ang reaction buttons na like at dislike.