Nangako ang Magdalo leader at dating Senador na si Antonio Trillanes IV na maghahain siya ng isang panukalang batas na tuluyang magwawakas sa kontraktwalisasyon at matiyak ang security og tenure ng lahat ng mga kwalipikadong manggagawang Pilipino.

“In favor tayo na wakasan ang endo at ito ay iinitiate natin kung tayo ay papalarin,” sabi ni Trillanes sa kamakailang edisyon ng “Sino SENyo?” sa Teleradyo.

Ang “Endo” ay pagtatapos ng kontrata, isang termino na tumutukoy sa isang pamamaraan kung saan ang kumpanya ay kumukuha ng mga manggawa para sa isang fixed period. Ngunit sa halip na gawing regular ang mga empleyado pagkatapos ng panahong iyon, muling silang kinukuha ng mga kumpanya sa patuloy na kontraktwal na batayan upang maiwasan ang pagbabayad ng karagdagang nga benepisyo at maiwasan ang mga manggagawa sa paglikha ng mga union.

Noong 2016, itinaguyod ni Trillanes ang Senate Bill (SB) No. 1184, o ang panukalang batas na naglalayong magbigay ng seguridad sa panunungkulan sa lahat ng kwalipikadong casual at contractual government workers.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Layon ng panukalang batas na gawing regular ang lahat ng nanunungkulan na casual at contractual employees ng gobyerno na nakapagbigay ng hindi bababa sa limang taong tuloy-tuloy na serbisyo sa kaso ng mga national government agencies o kabuuang 10 taong sustinidong serbisyo sa kaso ng mga lokal na pamahalaan.

Sinabi ni Trillanes na plano niyang maghain ng panukala kung sakaling magkaroon ng mga hadlang ang endo bill sa Senado.

“Meron akong isang alternative diyan kung sakaling haharagin man yan – ang pag-reduce ng probationary period ng mga temporary workers,” sabi ng dating senador.

Ipinaliwanag ng senatorial aspirant na sinasadya ng mga employer na gamitin ang pinapayagang anim na buwang probationary period bilang “loophole” upang paulit-ulit na kumuha ng mga manggagawa nang hindi nare-regular ang mga ito.

Ang mukhahi ni Trillanes ay bawasan ang anim na buwang panahon at gawin itong tatlong buwan na lang.

“Pero kung irereduce natin into three months yang probationary period, hindi na paiikutin ‘yan ng mga. Technically, mawawakasan na ang contractualization na iyan,” paliwanag ni Trillanes.

Raymund Antonio