Inanunsyo ni San Juan Mayor Francis Zamora nitong Sabado na naitala ng lungsod ang pinakamababang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 mula nang magsimula ang pandemya sa bansa noong nakaraang taon.

Iniulat ni Zamora na nitong Dis 3, ang San Juan ay mayroon na lang 16 na aktibong kaso, ang pinakamababang naitalang bilang ng mga kaso mula noong Marso 2020, kung saan 15, 119 na gumaling, at 330 naman ang nasawi.

Pinaalalahanan ng alkalde ang publiko na manatiling alerto, magsuot ng face mask nang maayos, sundin ang physical distancing, laging maghugas ng kamay at lagingg sumunod sa public health and safety protocols sa kabila ng pagbaba ng kaso.

Hinikayat din niya ang mga hindi pa nababakunahan na tumanggap na ng proteksyon laban sa virus. Maaari silang magparehistro sa pamamagitan ng link at pagsagot sa isang form. Maaari rin silang pumunta sa kanilang barangay o health center para magparehistro.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa panayam ng DZMM nitong Biyernes, sinabi ni Zamora na nasa kabuuang 214,231 inidibidwal na ang nabakunahan ng lungsod o katumbas ng 242 percent ng kanilang target population.

Patrick Garcia