Isa sa mga tututukan ni Vice President Leni Robredo sakaling manalo sa halalan ang pagtatayo ng mga biker- at pedestrian-friendly na mga kalye at pampublikong espasyo na maghihikayat sa mga Pilipino na mamuhay ng healthy lifestyles.
Sa panayam ng midya sa Iloilo City nitong Sabado, Dis. 4, ibinahagi ng presidential aspirant ang kanyang pangarap na makita ang Metro Manila na maging biker haven na City of Love.
“Ito ‘yung pinapangarap ko sa buong Pilipinas, lalo na sa Metro Manila, na nakita natin ‘yung need talaga nitoduring the pandemic,” sabi ni Robredo.
“Iyong pinapangarap natin na sana ‘yung streets natin, maging more friendly sa pedestrians, sa bikers, kasi ang dami talagang benefits eh,” dagdag niya.
Nauna nang ibinunyag ni Robredo sa isang business forum ang kanyang planong magtatag ng mas maraming bike lane, parke at pampublikong espasyo na kaaya-aya sa mga aktibidad sa paglilibang. Ikinalulungkot din niya ang kakulangan ng mga bukas na espasyo sa bansa—isang problema na itinampok noong panahon ng pandemya kung kailan ang mga bata ay kailangang pagbawalan sa mga establisyimento tulad ng mga mall.
Sa pagpuna na ang Pilipinas ay isang pedestrian-unfriendly. Tiniyak niya sa biking groups—na marami sa kanila ay nagpahayag ng suporta para sa kanyang alok sa pagpangulo—na siya ay kasama nila sa kanilang adbokasiya.
“Ako, gusto kong paalala sa kanila o gusto kong i-assure sila na kaisa nila ako. Kaisa nila ako sa advocacy na ‘yung mga daan natin ay gawing friendly para sa not just for bikers, but for people na gustong maglakad, for regular commuters,” sabi niya.
Ang adbokasiya ay hindi lamang isang mas murang alternatibo sa pagkuha ng mga pribadong sasakyan at pampublikong transportasyon, ngunit ito rin ay isang healthier choice, ani Robredo.
Binanggit ng Bise Presidente na mas malusog ang pamumuhay ng mga tao sa Iloilo City kumpara sa ibang lugar sa Pilipinas dahil nakakapagbisikleta at nakakalakad sila sa Esplanade.
“So kung, kung ang ibang lugar mayroon ding ganitong nilaan na space para sa kanila, ay I’m sure mas maraming maeengganyo,” sabi ng presidential aspirant.
Ibinahagi niya na matagal na siyang hindi nagbibisikleta dahil nakatira siya sa isang condominium sa Metro Manila at hindi pa gaanong umuuwi sa Naga City.
Si Robredo at ang kanyang running mate na si Kiko Pangilinan ay sumama sa mga kababaihan at mga bata sa kanilang pagbibisiketa sa Iloilo Esplanade sa isang event na tinawag na “Ride for Leni.”
“So, so ito, kaya ako inggit na inggit dito sa, sa Iloilo, kasi feeling ko lang, kung mayroon nang ganito malapit sa tinitirhan ko, siguro mas healthy pa ako,” sabi ni Robredo.
Raymund Antonio