Nasamsam ng mga operatiba ng pulisya ang humigit-kumulang P2 milyong shabu at inaresto ang 10 kata sa isang buy-bust sa Cainta, Rizal bandang alas-6 ng umaga nitong Sabado, Dis. 4.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Mraco Angelo Zarate, 46, Twixx Leyson, 30, call center agent, Angeito Reyes, 39, driver; Dennis Reyes,36, driver; Christian Evangelista, driver; Victor Dax Jose, 49; Roderick Rendal, 54; Janeth Salasibar, 51; Marry Lou Cruz, 51; at Allan Garol, 51.

Ang operasyon ay isinagawa ng Special Operations Unit-4A na pinangangasiwaan ni Police Brig. Gen. Remus B. Medina, direktor ng Philippine National Police Drug Enforcemnent Group (PNP-DEG).

Nakiisa sa drug bust ang mga operatiba mula sa Regional Drug Enforcemnet Units ng National Capital Region Police Office Station, at Taytay City Police Station.

National

Dahil daw kay PBBM: VP Sara, FPRRD nagkaroon ng ‘father-daughter’ relationship

Nakumpiska sa mga suspek ang 300 gramo ng hinihinalang shabu, P1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money, isang puting Honda City na kotse at limang cell phone, ayon sa PNP-DEG.

Itinurn-over ang mga suspek at ebidensya sa PNP-DEG Special Operation Unit 4A Office para sa dokumentasyon, disposisyon, at pagsasampa ng mga kasong paglabag sa Republic Act 91654 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Manila Bulletin