Pansamantalang itinigil ng National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyon kaugnay ng pagkamatay ng visual artist na si Breanna "Bree" Jonson, ayon sa Department of Justice (DOJ).

Inirason ni DOJ Secretary Menardo Guevarra nitong Sabado, Disyembre 4, nakabinbin pa sa hukuman ang aplikasyon ng NBI para sa search warrant upang makakuha sana ng forensic evidence. Aniya, pinalawig pa ng hukom ang kanyang leave sa trabaho.

Bukod dito, hinihintay din nila ang kasagutan ng Philippine National Police sa kanilang kahilingang magkaroon ng clarifications sa DNA report nito sa kaso.

Matatandaang natagpuang patay si Jonson sa loob ng isang hostel sa San Juan, La Union na nirerentahan nila ng kasintahang si Julian Ongpin, anak bilyonaryong negosyanteng si Roberto Ongpin nitong nakaraang Setyembre 18.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Si Ongpin ang huling kasama ni Jonson nang madiskubre ang insidente, ayon sa pulisya.