Lahat ng mga guro at estudyante sa pampublikong paaralan sa Quezon City na lalahok sa pilot run ng limited face-to-face classes ay sumailalim sa COVID-19 antigen test nitong Sabado, Disyembre 4.

Sa isang panayam sa Super Radyo DZBB, sinabi ni Quezon City Public School Teachers Association president Kris Navales naang 20 na guro sa Payatas B Annex Elementary School ay nag-negatibo kaninang umaga.

Samantala, ang mga public school teachers sa Bagong Silangan Elementary School ay nakatakda ring sumailalim sa COVID-19 antigen test ngayong araw.

Ang COVID-29 antigen testing sa mga guro at mag-aaral ay naglalayon na matiyak na lahat ng kalahok sa face-to-face class sa Lunes, Dis. 6, ay ligtas mula sa COVID-19.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Cherrylin Caacbay