Hinimok ni Presidential aspirant at Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso nitong Sabado, Disyembre 4, ang gobyerno na maghanda para sa bagong COVID-19 variant na Omicron.

Binisita ni Domagoso, kasama ang kanyang running mate na si Dr. Willie Ong at Aksyon Demokratiko Senatorial Slate, ang bayan ng Naic sa Cavite bilang parte ng kanilang Listening Tour para sa pagsalubong sa 2022 May elections.

Sa kanyang talumpati, iginiit ni Domagoso na unahin ng gobyerno ang life-saving medicine laban sa nakamamatay na sakit, at ilang medical equipment at facilities upang maging handa sa posibleng pagpasok ng bagong variant sa bansa.

“Ang gusto talaga namin, bumili tayo ng Remdesivir, Tocilizumab, Baricitinib, at yung Molnupiravir. Magstock na tayo ng oxygen. Gumawa na tayo ng mga pasilidad," aniya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Pag nagamit, thank you. Pag di nagamit, thank you pa rin. At least handa tayo," dagdag pa niya.

Noong nakaraang buwan, nasa 40,000 capsules ng Molnupiravir ang naideliver sa Sta. Ana Hospital sa Manila.

Dagdag pa ng alkalde, ang paunti-unting pagbubukas ng ekonomiya ay dapat magpatuloy.

“Basta handa tayo sa posibleng uncontrollable growth brought by the new variant, which is Omicron. Pero habang naghahanda tayo, bumubukas ang ekonomiya. Bumubukas ang oportunidad. Bumubukas ang hanapbuhay,"

Jaleen Ramos