Umabot na sa kabuuang 1,016,684 na indibiduwal ang naturukan na ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines sa Las Piñas City.
Ito ay batay sa datos ng Las Piñas City Health Office (LPCHO) na isinapubliko nitong Disyembre 2.
Sa naturang bilang, kabilang sa mga naturukan ang A1 to A5 categories, general pediatric population at mga nakatanggap na ng booster shots kontra COVID-19.
Paliwanag ng LPCHO, pumalo na sa 524,405 ang nabakunahan ng first dose habang 477,678 naman ang nakatanggap ng kanilang second dose o fully vaccinated individuals at 14,601 ang nabigyan ng booster shots.
Sa kabila nito, patuloy pa ring hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang mga residente na agad magparehistro upang makatanggap ng libreng bakuna.
Bella Gamotea