Mahigpit na ipinagbawal ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang paglalagay ng anumang mga paraphernalia o mga kagamitang may kaugnayan sa pangangampanya sa darating na halalan, sa public properties ng lungsod.

Screengrab mula sa Twitter/Vico Sotto

"I instructed our personnel through the City Admin to remove election-related materials posted in PUBLIC PROPERTY," saad ni Mayor Vico sa kaniyang tweet.

"Kahit tarp ko pa yan."

"If private property was included then this was a mistake, and you may report to Ugnayan sa Pasig instead of posting without knowing the details."

Sa memorandum na inilabas ng kaniyang tanggapan, ipinagbabawal ang pagdidisplay ng posters, tarpaulins, ribbons, at iba pang political campaign materials sa city-owned o public properties ng Pasig, maliban na lamang kung pahihintulutan, in compliance sa 2017 Pasig Revised Revenue Code.

Image
Screengrab mula sa Twitter/Vico Sotto

Tatanggalin naman ang mga election-related materials na nakalagay na sa mga public properties gaya ng lamp posts, perimeter walls, at city buildings. Maaari naman itong ilagay sa isang private property, kung talagang gugustuhin.