Hindi naging madali ang pinagdaanan ng OPM icon na si Dulce sa mga bashers. Katunayan bago nagpandemic kaliwat kanan ang kanyang natanggap na masasakit na salita sa social media. Yan ay mula nang maging hurado siya sa Tawag ng Tanghalan ng “It’s Showtime.”
Natalakay ito ng Balita sa Powerhouse Diva sa naganap na presscon ng kanilang Pinoy Christmas concert na “Parol, Bibingka at Puto Bumbong” kasama sina Marco Sison at Rey Valera. 'Yun nga lang hindi nakarating si Rey.
Ang nasabing concert ay mapapanood sa streaming ng Mulat Media mula Dec. 6-15 (Philippines) at Dec. 16-Jan. 2. 2022 (Worldwide). Para sa tikets, makakabili ay sa cinema.mulatmedia.com.
Samantala, sa pagpapatuloy ng interview matindi raw ang naging karanasan ni Dulce sa mga bashers dahil talaga namang napuruhan siya na umabot pa na nagkaroon ng issue sa kanyang health. Nandiyan na minura siya, mamatay na raw siya at talagang inaway sa social media.
Ani Dulce, “Nalungkot lang ako because kaya nilang magsalita ng hindi maganda. Yun bang something na siguro because of my generation na nanggaling kami doon sa nirerespeto ang katulad ng isang mang-aawit na nandiyan ka na for so long pero sagayonghenerasyon ganoon na pala nilabinabagsak.” Sa kabila ng lahat ng itonakarecovernaman daw na si Dulce.
Nagbigay naman ng pahayag ang magaling na singer nang banggitin ng Balita ang Ultimate Siren na si Mariane Osabel na dating semi finalist sa Tawag ng Tanghalan (TNT) na ngayon ay nasa Top 8 o malamang umusad pa ito sa “The Clash” ng GMA-7. Actually dito talagang na-bash si Dulce.
Matatandaang last 2019 nagingkontrobersiyaangpagkakataloniMarianena umabot pa nanagtrendingsa Twitter ang mga naging komento ng mga netizens at talaga namang pinag-usapan. Ito ay nang bigyan ng mababang score si Mariane laban sa katunggaling si Mariko Ledesma.
Hindi nagustuhan ng mga netizens ang naging outcome ng scoring na pumabor kay Mariko. During that time mas umangat daw kasi that particular performance si Mariko sa resbakan ng TNT. Hindi lang naman daw si Dulce ang hurado, marami sila. Pero si Dulce talaga ang pinag-initan ng mga bashers.
Kalaunannagback-out si Mariko bilang grandfinalistng TNT dahil na rin sa mga bashers.
Nagtry din daw magreach out si Dulce sa mga followers ni Mariane pero lalo raw siyang inaway ng mga ito. So alam na this Mariane sa “The Clash” dapat laging pasabog ang performance huwag maging kampante.
Sa singing contest kasi mayroon talagang tinatawag na “it’s your time to shine.” Kapag moment o oras mo talaga atibinigayni Lord at destiny mo na, mananalo at mananalo ka talaga. Para ring beauty pageant yan, diba?Consitencyis the key at lalo na dasal.
Anyway, aminado naman si Dulce na talaga namang magaling si Mariane lalot naiparating natin na nasa “The Clash” na ang contender na taga Lanao del Norte. Masaya ang OPM advocate naitinutuloypa rin ni Mariane ang passion niya which is singing.
Ani Dulce, “Masaya po ako para sa kanya. Napakagaling kasi ng batang yun. If she can make it there in now “The Clash” I am so happy for her because she is really really good. Honestly she is very really good.
“I really want Mariane to make it because she is really really good. Mariane I pray that you will continue on because you really have a great gift. If you remember there were performances na talagangnadadalamo ako and ang puso ko talagang umiiyak ako when you sing.
“It’s just so happened na may mga ganoong pangyayari at alam ko that’s all you know na water under the bridge. But I am happy that you’re doing really well and I really declare your success even now. And I thank God for your gift and thank God for your life. God bless you Mariane. Continue on."