Sinimulan na ang pag-aayos sa mga nasirang drainage sa kahabaan ng Roxas Boulevard na sanhi ng pagsasara ng bahagi ng highway, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sinabi ng DPWH, sinimulan ang pagsasaayos ng 54.9 linear meter-Libertad Main Drainage sa Pasay City nitong Biyernes ng gabi matapos magbigay ng clearance ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon sa DPWH, ang konstruksyon ng main drainage ay mangangailangan ng pagsasara ng kalsada sa kahabaan ng south bound portion ng Roxas Boulevard mula sa V.Sotto hanggang Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) na papalapit sa Buendia Flyover.
Inabisuhan ang mga light vehicles na dumaan sa Diosdado Macapagal Boulevard papuntang MIA bilang alternatibong ruta, habang ang mga heavy vehicles katulad ng trucks ay maaaring kumaliwa sa P. Burgos Avenue, sa kahabaan ng Finance Road at Ayala Boulevard, pagkatapos ay kumanan patungo sa San Marcelino Street, P. Quirino Avenue patungong South Super Highway.
Sinabi ng DPWH na naglagay sila ng mga warning sign para ipaalam sa publiko ang tungkol sa mga pagsasara ng kalsada.
Joseph Pedrajas