Naglunsad ng bagong simbolo na magagamit sa social media ang United Nations (UN) para sa kampanya nito kontra gender-based violence sa internet.

Ayon sa UN population agency UNFPA, ang kampanya ay naglalayong protektahan ang mga babae, kabataan, etnikong minoridad, at mga kasapi ng LGBT community laban sa karahasan online.

Dagdag pa ng UN, ang simbolong ⓑ ay inilunsad upang mabawasan ang mga takot at karahasan mapa-online man o hindi.

"Everyone has the right to live free of fear and violence -- both online and offline," pahayag ni UFNPA executive director Natalia Kanem.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

"It's time for technology companies and policymakers to take digital violence seriously," dagdag pa ng direktor.

Ayon sa datos na inilabas ng Economist Intelligence Unit, 85% ng mga kababaihan ang nakaranas o nakasaksi ng karahasan online mula sa kapwa kababaihan.

Nilinaw ng UNFPA na ang cyberstalking, hate speech, doxxing — publishing private information ng isang individual — at non-consensual paggamit ng mga larawan at video tulad ng deepfakes ay sakop sa usaping online violence.

"Images of our bodies are given the same respect and protection online as copyright gives to music, film and even corporate logos," paglalarawan sa bagong simbolo.