BAGUIO CITY - Hindi nakalusot ang 26 na colorum vehicle na nagbibiyahe papasok ng siyudad mula sa mga border checkpoints mula nang payagan ang mga turista sa Summer Capital ng Pilipinas.

Sa panayam, sinabi ni Col. Domingo Gambican, hepe ng Baguio City Police Office Operations Management Unit, aabot sa 26nasasakyan ang nahuli sa isinagawang anti-colorum operations kamakailan.

Ayon kay Gambican, ang mga nahuling sasakyan ay nakitaan ng mga pasaherong outsider na walang mga dokumento, na gaya ng vaccination cards oa QR code mula sa registration portalhdf.baguio.gov.phfor essential travelers at walang aprubadong QR Tourists Pass mula sa visita.baguio.gov.phbilang turista.

Hinuli rin ang mga driver na walang maipakitang certificate to operate as public convenience (CPC) at special permit to operate as public utility vehicle mula sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB).

Probinsya

NCIP, nagsalita na tungkol sa Mt. Pinatubo trail incident

Nasa impounding area na ng Land Transportation Office ang mga nahuling sasakyan.

Ang mga drayber na walang maipakitang dokumento sa pagbibiyahe ng pasahero ay inisyuhan ng traffic citation tickets, samatalang ang colorum vehicles na nahuli ay lumabag sa City Ordinance No. 55 series of 2017 o ang Anti-Colorum Ordinance ng Baguio.