Nagsagawa ng dry run ng face-to-face classes ang Taguig City Education Office matapos aprubahan ng Department of Education (DepEd) na lumahok sa pilot implementation ng programa ang dalawang pampublikong paaralan sa lungsod.

Ayon sa Deped, 177 na pampublikong paaralan ang idinagdag sa listahan para sa pilot implementation ng face-to-face classes.

Kabilang sa listahan ang mga paaralan sa National Capital Region na magsisimula sa ang face-to-face classes sa Disyembre 6.

Sa Taguig, ang dalawang aprubadong paaralan ay ang Sen. Renato “Companero” Cayetano Memorial Science and Technology High School at Ricardo P. Cruz Sr. Elementary School.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa isang Facebook post na ibinahagi ni Dr. George Tuazon, head ng Taguig City Education Office, na isinagawa ang dry run sa Sen. Renato “Companero” Cayetano Memorial Science and Technology High School noong Disyembre 2.

“After passing the strict requirements of DOH [Department of Health], DepEd & Taguig Safe City Task Force through the TIPFLEX Program (Taguig In-Person Flexible Learning) of the City Education Office, all our 39 public schools are ready and some of our public schools were finally allowed face-to-face classes since Taguig City was the first City to open Face to Face Classes in Private International Schools this November 2021,” aniya.

Dagdag pa ni Tuazon, “face-to-face classes participation is voluntary only and requires parents’ consent and permission.”

Lalahok lamang sa limited face-to-face classes ang mga estudyanteng "walang comorbidities." 

Jonathan Hicap