Mayroon na lamang 54 na kumpirmadong pasyente ng COVID-19 ang Philippine General Hospital, pinakamababang bilang na naitala ng ospital sa loob ang mahigit isang taon, sinabi ng tagapagsalita nito ngayong Biyernes, Dis. 3.

“We have about 350 beds reserved for COVID-19 [patients] especially during the surge and right now – the lowest number that we have gotten for almost more than a year – we are now down to 54 confirmed COVID-19 patients in the hospital. That’s roughly about 15 percent of our bed occupancy for COVID-19,” sabi ni PGH Spokesperson Dr. Jonas Del Rosario sa isang panayam sa Headstart sa ANC.

Tinukoy din niya na ang mga pasyenteng na-admit ay “karamihan katamtaman at “ilang malubha” na kaso ng COVID-19.

“One good news is I was told for the last few days [that] we have not admitted anybody with COVID-19. Our numbers are continuously going down… double-digit numbers are a rare occurrence in PGH, but now we’re really going into the 50s. Who knows, maybe in the next few days or weeks we will be down to the 20s,”sabi nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Malugod na tinanggap ni Del Rosario ang development bilang magandang balita dahil nangangahulugan itong maaari na ngayong mag-akomoda at magbigay serbisyo sa mga non-COVID na pasyente ang ospital.

“We have four COVID wards… which actually can house about 35 to 40 patients. Now we have trimmed it down [and] we [were] actually able to close the three COVID wards and open it to non-COVID patients,” sabi ni Del Rosario.

Aniya, tinatanggap na ngayon ng PGH ang kanilang karaniwang mga pasyente bago ang pandemya: ang mga ito ay may problema sa puso, problema sa kidney, problema sa baga, “isang malaking bahagi ng mga may cancer,” at mga bata na pinapayagan na ngayong ma-adamit.

Charie Mae F. Abarca