Iginagalang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon ni Senator Christopher "Bong" Go na umatras sa pagkandidato nito sa pagka-pangulo sa 2022 national elections.
Sa dinaluhang pagpupulong ng mga opisyal ngNational Task Force-Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa Zamboanga City, muling kinulit ng Pangulo si Go kung sigurado na ito sa kanyang pag-atras sa eleksyon.
“Ano ba talaga, Bong? Tatakbo ka o hindi?” pagtatanong ni Duterte kay Go na isa sa mga bisita sa naturang pagpupulong.
Aminado ang Pangulo na inirerespeto nito ang pasya ni Go, gayunman, nalungkot naman umano ang mga senador.
“You have made a lot of people sad than happy. We respect your decisionlalo na kung pamilya. Wala na tayong magawa diyan," dagdag na pahayag ni Duterte.
Nitong Nobyembre 30, ginulat ni Go ang publiko nang ianunsyonito na umaatras na siya sa kanyang kandidatura dahil sa kagustuhan umano ng pamilya nito.
PNA