Hindi pa rin umano nabayaran ni presidential candidate Ferdinand Marcos, Jr. ang multa nito alinsunod sa hatol ng hukuman sa kanyang tax evasion case noong 1995.

Sa pahayag ni Atty. Theodore Te, abogado ng mga naghain ng petisyong humihiling na ikansela ang kandidatura ni Marcos nitong Biyernes, nakakuha umano sila ng dokumento kaugnay ng kaso ni Marcos matapos silang humiling nitosa Quezon City Regional Trial Court Branch 105.

“Among these documents is a Certification issued by the Acting Presiding Judge that Mr. Marcos Jr. has not satisfied the judgment of the court in these cases,” ayon sa inilabas na pahayag ni Te.

Sa dokumento, binanggit na walang rekord ang korte na "sumunod si Marcos sa naging desisyon ng hukuman noong Hulyo 25, 1995 na pagbayarinito ng multa at interest ng hindi nabayarang buwis."

Paglilinaw ni Te, idudulog nila ang nasabing usapin sa 2nd Division ng Commission on Elections (Comelec) na humahawak sa petisyong nagpapakansela sa certificate of candidacy (COC) ni Marcos.

Matatandaang naghain ng petisyon sina Fr. Christian Buenafe ngTask Force Detainees, Fides Lim ng Kapatid, Ma. Edeliza Hernandez ng Medical Action Group, Celia Lagman Sevilla ng Families of Victims of Involuntary Disappearance, Roland Vibal ng PH Alliance of Human Rights, at Josephine Lasvano ng Balay Rehab Center at sinabing nagkaroon ng multiple false material representation ang COC ni Marcos.

Dhel Nazario