Nag-donate ang gobyerno ng Japan ng mga kagamitang medikal na nagkakahalaga sa P5.2 milyon sa isang rural health unit sa Batangas nitong Biyernes, Dis. 3.

Pinangunahan ni Third Secretary Yumi Yamada ng Embassy of Japan ang turnover ng grant sa sakop sa pagbili ng automated blood chemistry at ultrasound machine sa Rural Health Unite ng Balete Batangas.

Ang Balete Rural Health Unit ay ang pangunahing public health facility para sa 24 reisdente sa lugar at nagbibigay ng pangunahing serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa humigit-kumulang 6,000 mga pasyente sa isang taon.

Ibinunyag na ang limitadong kapasidad ng mga medical equipment sa rural health unit ay malaking sagabal sa pag-akses sa mga serbisyong medikal ng mga residente.

National

Sen. Go sa pagpapa-imbestiga ni Sen. Imee sa pag-aresto kay FPRRD: ‘Too late the hero na po!’

“For example, since its blood chemistry analyzer was a manual type, it could only cater to 30 percent of caseloads from patients with medical conditions such as diabetes, hypertension and angina,” sabi ng Embahada ng Japan sa Pilipinas sa isang pahayag.

Idinagdag din nito na dahil walang ultrasound machine ang pasilidad, isang oras ang biyahe ng kababaihang buntis patungo sa kalapit na ospital sa bayan upang makakuha ng prenatal services.

“Now that the project is formally turned over to the rural health unit, Balete residents, including 1,400 patients that require the use of the fully-automated chemistry analyzer and 100 patients that require the use of the ultrasound machine annually, can avail improved medical services and access,”sabi ng Embahada.

Naaprubahan noong 2018, ang proyekto ay bahagi ng Official Development Assistance (ODA) ng Japan sa pamamagitan ng Grant Assistance for Grassroots Human Security Projects (GGP).

Bilang nangungunang donor ng ODA para sa Pilipinas, inilunsad ng Japan ang Grant Assistance for Grassroots Human Secutiy Projects sa Pilipinas noong 1989 upang mabawasan ang kahirapan at tulungan ang iba’t ibang komunidad na makibahagi sa grassroot activities.

Sa kasalukuyan, nasa 548 grassroots projects na ang naipatupad ng GGP.

Betheena Unite