Nakumpiska ang kabuuang ₱119,680 halaga ng pinaghihinalaang shabu sa ikinasang anti-illegal drug operations sa Makati City, Pasay City, at Muntinlupa City nitong Disyembre 2.

Larawan: SPD PIO

Sa ulat na natanggap ni Southern Police District chief, Brig. General Jimili Macaraeg, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit, Station Intelligence Section at Sub-Station 6 ng Makati City Police sa 7457 Bernardino St., Brgy. Guadalupe Viejo dakong 6:30 ng gabi na ikinaaresto ng suspek na si Charles Balisong, alyas "Ita," 26.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Narekober kay Balisong ang 12.8 gramo ng 'shabu' na nagkakahalaga ng ₱87,040, marked money at coin purse.

Larawan: SPD PIO

Sa Pasay City, nadakip ng SDEU personnel ang suspek na si Gabriel Bardoquillo, alyas "Tol Gabriel," 31, nasa drugs watchlist ng pulisya, matapos bentahan ng ilegal na droga ang police poseur buyer sa  Tulip St., Brgy. 184, Zone 19, Maricaban bandang 6:00 ng gabi.

Nasamsam kay Bardoquillo ang pitong pakete na naglalaman ng umano'y shabu na may halagang ₱25,840.00, buy bust money at coin purse. Samantala, sa lungsod ng Muntinlupa, ikinasa ng mga tauhan ng SIS ang anti-criminality operation sa Upper Sucat, Brgy. Sucat, dakong  10:30 ng gabi na ikinaaresto ng suspek na si Cherry Caagbay, 46, at residente sa Upper Sucat, Brgy. Sucat nang makumpiskahan ng 1 gramo ng shabu na may standard drug price of ₱6,800. 

Larawan: SPD PIO

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Comprehensible Dangerous Drugs Act of 2002 habang itinurn-over ang mga ebidensiya sa SPD Crime Laboratory para sa chemical analysis.

Bella Gamotea