Sa kabila ng patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19, hinihimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na magsagawa ng selebrasyon virtually ngayong holiday season upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Pinaalalahanan ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang publiko na nanatiling banta ang COVID-19.

“Bagama’t bumababa ang cases dito sa ating bansa, kailangan natin isipin na nandyan pa din ang COVID at maari pa din tayong mainfect at makapag-infect ng mga tao," aniya sa press briefing.

“Best pa din to hold virtual parties for this Christmas. Alam ko pangalawang pasko na ito na nagkaroon ng difference ang ating pagse-celebrate ng pasko. Pero sanawe can do these kinds of sacrifices so we can prevent further infections in the community, in our population,” dagdag pa niya.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Sinabi ni Vergeire kung nais ng publiko na magsagawa ng personal na pagdiriwang, dapat mahigpit nilang ipatupad ang pagsunod sa minimum public health standards.

“I advise to require that only fully vaccinated will attend the parties, that you will be holding this in an open space, and that everybody will be wearing their face mask, and practice physical distancing, and please do not serve buffet dishes,” aniya.

Sa gitna ng banta ng Omicron variant, umaasa si Vergeire na magpapatuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

“With the threat of the Omicron variant we are not really certain, I will be very honest, hindi natin alam. Pero base sa estado ngayon natin at sa mga projetions na meron tayo, patuloy na bababa ang mga kaso hanggang Dec. 30—here in the NCR [National Capital Region] as well as in the whole Philippines,” aniya.

“So projection patuloy na bababa ang mga kaso until the end of the year. Pero kailangan patuloy ang pagcomply sa minimum public health standards, at pagbakuna para masustain ang nagagawang pagbaba ng kaso sa ating bansa," dagdag pa niya.

Analou De Vera