Nakatakdang magharap ng karagdagang ebidensya sa hukuman ang Department of Justice (DOJ) upang suportahan ang iniharap na mosyon laban sa pagkakabasura ng kaso ni Julian Ongpin na pag-iingat ng ilang gramo ng cocaine kamakailan.

Paliwanag ni Prosecutor General Benedicto Malcontento, nakahanda na ang kanilang ebidensya para sa pagharap nila sa isasagawang video hearing sa San Fernando, La Union Regional Trial Court (RTC) Branch 27 Judge Romeo Agacita, Jr. sa Martes, Disyembre 7.

“A presentation of evidence on the motion (is) set on December 7," ayon kay Malcontento.

Matatandaangibinasura ni Agacita ang kaso dahil sa kakulangan ng probable cause upang maglabas ng warrant of arrest laban kay Ongpin na nahulihan ng12.685 gramo ng cocaine sa isang hotel sa San Juan noong Setyembre 18.

Probinsya

NCIP, nagsalita na tungkol sa Mt. Pinatubo trail incident

Idinahilan ng korte, nilabag ng mga pulis na umaresto kay Ongpin ang ilang probisyon ng Section 21 ng Republic Act 9165(Comprehensive Dangerous Drugs Act) matapos hindi sumunod sa chain of custody para sa mga nasamsam na iligal na droga.

Iniutos din ni Agacita ang alisin na angprecautionary hold departure order laban kay Ongpin kaugnay ng pagkamatay ng kanyang kasintahan na si visual artist Breanna "Bree" Jonson na nauna nang natagpuang walang malay sa nabanggit na hotel.

Si Jonson ay binawian ng buhay sa ospital dahil sa asphyxia, ayon sa inisyal na report ng pulisya.