Isang malungkot na balita ang hatid ng sikat na British girl group na “Little Mix” sa kanilang milyun-milyong fans nitong Biyernes, Disyembre 3.

Sa opisyal na anunsyo sa kanilang verified Facebook page, ipinaalam ng grupo ang kanilang nakatakdang pagpapahinga sa industriya sa susunod na taon.

“We wanted to let you all know that after the Confetti tour in April/May next year we are going to be taking a break from Little Mix,” sabi ng grupo sa kanilang pahayag.

Isang dekada na ring namamayagpag ang grupo sa music scene. Bumulusok ang karera ng Little Mix taong 2011 nang maging kauna-unahang grupo na nagwagi sa X Factor UK.

Musika at Kanta

'Dami na namang tatamaan!' Bagong parody song ni Bitoy, umani ng reaksiyon

“It’s been 10 amazing years, a wonderful non-stop adventure, and we feel the time is right to take a break so we can recharge and work on some other projects,” dagdag ng grupo.

Nagpasalamat ang grupo sa kanilang mga tagasuporta na nakasama nila sa loob ng isang dekada.

Samantala, tiniyak naman ng Little Mix na hindi mabubuwag ang grupo. Sa katunayan, sinabi nitong nakalatag pa rin ang kanilang mga plano bilang grupo sa hinaharap.

“We are not splitting up - Little Mix are here to stay ?We have plans for more music, tours and performances in the future. We’ve made so many incredible memories with you all, and we can’t wait to make so many more,” pagtitiyak ng Little Mix sa kanilang fans.

“We’re sisters and we’ll always have each other and you, the fans, in our lives. Little Mix is forever ♥️See you on tour!”

Mula sa orihinal na apat na miyembro, binubuo na lang nina Jade Thirwall, Leigh-Anne Piinock at Perrie Edwards ang Little Mix matapos humiwalay sa grupo si Jessy Nelson noong 2020.

Kilala ang Little Mix sa mga chart-topping anthems kagaya ng “Wings,” “Shout Out to My Ex,” “Secret Love Song”bukod sa iba pa.