Inilabas ng Canadian pop star na si Shawn Mendes ang kantang "It'll Be Okay" nitong Huwebes, Disyembre. 2.

Halos isang taon matapos i-release ang ikaapat na studio album ng singer-songwriter, na sinundan ng mga single “KESI,” at “Summer of Love,” isang hearthbreaking song ang inilabas ni Shawn Mendes ngayong Disyembre.

Noong Nobyembre 18, inanunsyo ng power couple na sina Shawn Mendes at Camila Cabello ang pagtatapos ng kanilang halos tatlong-taong relasyon. Dahil dito, hindi maiwasan na isipin ng fans na alay ni Shawn ang pinakabagong kanta para sa kanyang ex-girlfriend.

Kung hihimayin ang mga salita ng kanta, tila isang liham nga ito mula sa punto-debista ng isang taong nasawi sa pag-ibig.

Musika at Kanta

Martin Nievera, may madamdaming mensahe kay Sofronio Vasquez

“If you tell me you're leaving, I'll make it easy

It'll be okay

If we can't stop the bleeding

We don't have to fix it, we don't have to stay

I will love you either way”

Samantala, naunang pribado ang tunay na rason ng kanilang paghihiwalay.

Shawn Mendes - It’ll Be Okay (Lyric Video) via Youtube

“Hey guys, we’ve decided to end our romantic relationship but our love for one another as humans is stronger than ever,” sabi ni Shawn at Camila sa isang joint statement noong Nob. 18.

We started our relationship as best friends and will continue to be best friends. We so appreciate your support from the beginning nad moving forward,” dagdag nila.

Unang nagsama ang dalawa sa summer hit song na “I Know What You Did Last Summer” noong 2015 at sinundan ng chart-topping track na “Senorita” noong 2019.