Handa nang lumahok sa pilot run ng limited face-to-face classes ang dalawang paaralan sa Quezon City na gaganapin sa Lunes, Disyembre 6.
“Ikinatutuwa ng pamahalaang lungsod na magiging bahagi ng pilot face-to-face classes ang dalawa sa ating mga pampublikong paaralan. Makatitiyak ang mga magulang na magiging ligtas ang kanilang mga anak, maging ang mga guro, sa kanilang pagbabalik-eskwela," ani Mayor Joy Belmonte sa isang pahayag
Kabilang sa 28 na paaralan na lalahok sa pilot run sa Metro Manila ay ang Bagong SIlangan Elementary School at Payatas B Annex Elementary School sa Barangay Bagong Silangan at Barangay Payatas.
Noong Oktubre, sinimulan ng lokal na pamahalaan ang pamamahagi ng safety seals sa paaralan at institusyon para sa preparasyon ng face-to-face classes.
“Ang safety seal ang magiging batayan na nakasunod sa pamantayan ng health and safety protocols ang paaralan kaya’t nakatitiyak ang mga magulang, pati na mga guro, na magiging safe ang kanilang mga anak kapag nagsimula na ang face-to-face classes sa lungsod," ani Balmonte.
Magbibigay rin sila ng hygiene kits at supplies para sa mga estudyante maging sa paaralan.
Binisita ni Balmonte at ng inspection team ng lungsod, na binubuo ng Department of Building Official (DBO), Schools Division Office (SDO), City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), at Education Affairs Unit (EAU), ang Payatas B Annex Elementary School, Bagong Silangan Elementary School at St. Luke Medical Center College of Medicine in Barangay Kalusugan.
Ang mga ininspeksyon na paaralan ay mayroong isolation rooms at ambulansya.
Sinabi rin in Mayor Belmonte na handa ang lungsod na suportahan ang mga paaralan na kailangan i-retrofit upang makasunod sa mga pamantayan at regulasyon.
Allysa Nievera