Naaresto ng mga awtoridad ang dalawang lalaki matapos masamsaman ng ₱7.5 milyong puslit na sigarilyo sa Zamboanga City nitong Huwebes ng gabi.
Pinipigil na ng pulisya sina Nadzpin Benjamin, 19, taga-Lugus, Sulu, at Benhar Mundih, 32, taga-Tapul ng nasabi ring lalawigan matapos silang maaresto ng mga tauhan ng 2nd City Mobile Force “Seaborn” Company (2CMFC) at Bureau of Customs (BOC) sa Barangay Sinunuc, dakong 10:00 ng gabi.
“The swift action of the operating units speaks well of their dedication and commitment to the fight against smuggling, criminality, and other lawlessness," pahayag naman ni City Police Director Col. Rexmel Reyes.
Bukod sa kahon-kahong sigarilyo, nakumpiska rin ng mga awtoridad ang dalawang bangkang de-motor na pinagsakyan ng kargamento.
Inihahanda na ang kaso laban kina sina Benjamin at Mundih.
PNA