Inaprubahan ng Kamara ang panukalang batas na nagre-require sa rehistrasyon ng Subscriber Identity Module (SIM) cards upang makaiwas sa mga kriminal sa paggamit nito sa paggawa ng krimen.
Pinagtibay nitong Miyerkules sa pamamagitan ng via voice voting ang House Bill No. 5793 o ang “SIM Card Registration Act," na naglalayong tulungan ang law enforcement agencies na matunton ang mga ilegal na kriminal na gumagamit ng mobile phones na may postpaid at prepaid SIM cards.
Sa ilalim ng panukala, bawat public telecommunication entities (PTEs) o direct seller ay oobligahin ang end user ng SIM card na iprisinta ang valid identification na may larawan niya upang matiyak ang kanyang pagkakalinlan.
Oobligahin ng PTE o direct seller ang end user na gawin at lagdaan ang isang control-numbered registration form na inisyu ng PTE ng SIM card na binili.
Lahat ng PTEs ay magmamantine ng isang SIM card Register at i-uupdate ang Department of Information and Technology Communications (DICT) tuwing anim na buwan.
"The measure likewise includes a confidentiality clause which prohibits the disclosure of any information of a subscriber, unless upon subpoena or lawful order form a competent court or written request from law enforcement agency in relation to an ongoing investigation, that a particular number requested is used in the commission of a crime."
Bert de Guzman