Matapos nga ang pagkaka-evict sa Kapamilya actress na si Chie Filomeno mula sa Bahay ni Kuya ay naging sunod-sunod na ang mga guesting niya sa Kapamilya shows, at mukhang fresh na fresh na ulit siya sa mga panibagong career moves niya.

Siya kasi ang pinakabagong Calendar Girl ng Ginebra San Miguel para sa taong 2022 matapos siyang i-launch nitong Disyembre 1, sa pamamagitan ng Facebook live hosted by Vince Velasco at Luis Manzano.

Hindi rin basta-basta ang mga endorser na kinukuha ng GSMI para sa kanilang mga kalendaryo, na karamihan ay mga A-listers sa showbiz o kaya naman ay modelo. Ilan sa kanila ay sina Marian Rivera (2009 at 2014), Anne Curtis (2011), Solenn Heusaff (2012), Kim Domingo (2017), Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach (2019), at Sanya Lopez (2020).

Nitong 2021, ang new comer na si Christelle Abello ang naging calendar girl nila.

Matet De Leon, ibinuking kung anong klaseng ina si Nora Aunor

Ang iba pang endorsers ng GSMI products ay sina Kapamilya actress Sue Ramirez para sa GSM Blue, social media influencer na si Albert Nicolas at actor-singer na si Matteo Guidicelli para sa Primera Light Brandy.

Bakit nga ba si Chie ang napiling pagkatiwalaan ng GSMI?

“Chie Filomeno is a modern woman who is passionate in her work as a model, vlogger, youth influencer, and actress. Ginebra San Miguel chose Chie Filomeno because she embodies the attributes that our products stand for – a modern Filipina who personifies our brand attributes of being ‘matapang,’ ‘ganado,’ and having that ‘never-say-die’ attitude," paliwanag ng Marketing manager ng GSMI na si Allan Mercado.

May be an image of 1 person and text
Larawan mula sa FB/GSMI

May be an image of 1 person
Larawan mula sa FB/GSMI

Overwhelmed naman si Chie sa mga nangyayari ngayon sa kaniyang showbiz career, lalo na ang pagiging calendar girl ng GSMI.

“To be a part of the Ginebra San Miguel family is such a big fulfillment for me. This is a dream come true. I am really happy and grateful to be a part of the brand’s legacy,” saad naman ni Chie.

Naniniwala si Chie na nasa kaniya ang mga katangiang hinahanap ng GSMI para maging calendar girl nila.

“It is definitely beyond that. It is about being strong. It is about feeling and looking good, not just on the outside, but also on the inside. I know I am more than just a pretty face. I am more than my mistakes. I know I still have a lot to prove, not to other people, but to myself. My competition is myself and not anyone else."

Samantala, si Kapuso actress Bea Alonzo naman ang Calendar Girl 2022 ng Tanduay.