Hot topic nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Dyosa Pockoh on the side ang panayam ni Kylie Padilla sa ama niyang si Robin Padilla, at isa nga sa mga napag-usapan nila, kung kumusta na ba ang relasyon ni Kylie sa estranged husband at ama ng mga anak niyang si Aljur Abrenica.

At syempre, naungkat din ang kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ni AJ Raval na ilang buwang ding naging laman ng mga showbiz chika dahil sa panliligaw umano sa kaniya ni Aljur. Naispatan pa silang namimili ng mga laruan sa isang mall at 'HHWW' o holding hands while walking pa.

Natanong ni Mama Loi kung bakit hindi nagsasalita si Aljur hinggil sa isyung kinasasangkutan ngayon ni AJ sa relasyong Diego Loyzaga at Barbie Imperial.

"Baka wala na rin sila," tugon naman ni Ogie.

'Para pa ba sa akin 'to?' Zephanie, muntik nang umexit sa showbiz

“Nakakaloka ‘no kasi nagkakaroon ng playgirl image itong si AJ Raval so dapat malinis niya ito unless iyon talaga ang gusto niya magpa-sexy, eh, 'di bagay sa playgirl image pero siyempre bilang Filipina ay mas gusto nila (ng mga tao) na kahit nagpapa-sexy ka ay pinatutunayan mo pa rin na isa kang matinong babae," pahayag pa ni Ogie.

“Hindi ko sinasabing hindi matino si AJ ah, kung baga ‘yun lang ang barometro o gauge ng mga tao na kapag nagpapa-sexy ‘yung isang babae pero sa kabila pala ng pagpapa-sexy niya ay conservative pala siya inside o off-cam."

Hiling ni Ogie, sana raw ay magsalita na rin si Diego upang matuldukan na umano ang isyu.

“Anyway, sana magsalita rin si Diego para malinawan din ‘yang issue na ‘yan. And ending nito nakakaloka, sa inyo nag-end gayung ang pinag-uusapan dito ay sina Kylie at Robin."

Samantala, kinontra naman ni Cristy Fermin ang pagtawag ni Barbie ng 'kabit' o mistress kay AJ, lalo na't kung hindi pa naman sila kasal ni Diego, at kung wala naman siyang matibay na ebidensya.

Hanggang ngayon, wala pang pahayag si Barbie hinggil sa sinabi sa kaniya ni Cristy.